Tuesday, June 20, 2006

sabi nila, lahat daw ng bagay sa mundo may dahilan. lahat ng nangyayari sa buhay mo o sa mundo may dahilan... sabi rin nila, "when it rains, it pours"...

halos isang buwan pagkatapos ng pag-uusap natin na masaya ka pa... one month na rin akong nalulungkot at umuuwi na lumilipad ang isip south-bound almost 1,000 kilometers away from here...

sa panaka-nakang pagkumusta mo sa akin pagkatapos ng mayo a-kinse, naiiyak ako sa pagwawalang bahala mo... insensitive ka ba talaga? o sadyang sensitive lang ako?

pero siguro, kung nagkataon na binigyan mo ako ng karapatan na maging KAIBIGAN talaga sa 'yo baka sakali, naipaglaban ko 'yung right na 'yun... kaya lang as it is, alam ko namang wall lang talaga ako sa 'yo e...

bakit nga ba ganun? naiisip ko minsan, bakit kung sino yung mga taong mahalaga sa 'yo, sa kanila pa nababale-wala yung pagpapahalaga mo sa kanila? naiisip ko lang yun kasi madalas may mga taong nagsi-seek ng attention ko, nagsasabi sa akin ng mga saloobin nila, mga problema at duon pumapasok sa isip ko yung mga taong mahalaga sa akin bakit hindi sila yung ganun sa akin... ganito ba talaga ka-unfair ang life?

sabagay, marami naman akong dapat ipagpasalamat sa Kanya... s'yempre, di ko naman makikilala yung mga taong mahal ko kung hindi dahil ginusto Niya... hindi naman ako magiging ganito ka-swerte, kung hindi dahil sa Kanya...

pero, siguro din, tao lang ako... naghahanap, nagtatanong...

mayo a-beinte kuwatro, kinausap mo ulit ako... hindi dahil sa kung ano pa man... alam ko, wednesday kasi nuon... nariyan ulit ang "special someone" mo... isa pa, pinilit ko talagang maipadala nung nagdaang gabi ang CDs... tama pa rin ako... mapapansin mo rin ako... kakausapin mo rin ako... kahit na yun lang ang dahilan... i needed things, events to get your attention...

di ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kanya... kasi iniisip ko, kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ka rin bumalik sa akin... ang tagal-tagal mong nanahimik sa akin... halos isang taon... halos isang taon ring nagtutumining sa isip ko yung nagawa kong kasalanan... ni sa hinagap, di ko sukat akalaing mangyayari sa akin ang ganito... ang lungkot-lungkot ko... di ko alam kung kailan maaalis sa akin yung insecurity ko - dahil hanggang ngayon, lalo na ngayon na ganyan ka na naman sa akin - sa naging pagkakamali ko... alam ko, paulit-ulit mo ring sinabi sa akin na wala akong kasalanan... pero siguro maiintindihan mo lang ako, pag ikaw na ang nasa position ko... maiintindihan mo rin siguro ang nararamdaman ko..

pero di na ako umaasa pa na maiintindihan mo at intindihin mo ako... kasi alam ko, people get tired of me - just by being me, i turn people away... i am this lunatic anyway... sometimes, naaawa rin ako sa sarili ko bakit ganito ako... that i drive people crazy... ako rin ang talo in the end... kasi nga i let people down... and everytime that i do, i blame myself and end
up in self-pity... na lalo lang nagpapalayo ng mga tao away from me... yun na lang nga nang yun ang prayers ko sa Kanya... na sana gawin Nya akong normal katulad ng ibang tao para naman hindi malungkot ang buhay ko... sobrang nakakapagod din ang mag-isa e...

nanahimik ka ulit pagkatapos mong ninais na makipag-usap ako sa kanya... ipinapakausap mo ako sa "special someone" mo pero ikaw mismo na taong mahalaga sa akin di ako iniimik... alam mo ba kung gaano kasakit yun? sobra-sobra sobra-sobra at sobrang lungkot ko ... naiiyak ako...
muli ganun na naman...

a-dos ng hunyo kinausap mo ulit ako... dahil ulit sa "special someone" mo... kung hindi dahil sa
kanya... hindi mo ako kakausapin... hindi kita makakausap... kahit isang linya lang... hobby mo po ba talaga ang mang-torture ng tao? it was killing me... at katulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo ... i cannot lie to a friend... pinilit kong kausapin ang "special someone" mo dahil alam kong sobrang mahalaga sya sa 'yo... kahit nasasaktan ako na kaya ka lang nakipag-communicate with me e dahil sa kanya... salamat ng maraming marami mr. m... kahit nasasaktan ako... may
ipagpapasalamat pa rin ako sa 'yo... kahit na gusto kitang bugbugin dahil sa pagbibigay mo ng heartaches sa KAIBIGAN ko at lahat lahat ng pain... still... kung hindi dahil sa 'yo, di sya bumalik sa akin...

pero dapat nga ba akong magpasalamat kay m? sya rin ang dahilan kung bakit lumayo ka ulit sa akin ngayon... sya rin ang dahilan bakit nagkakaganito ako ngayon... kung bakit ka nananahimik na naman sa akin (at sa mundo - sabi mo)...

june 7, ipinost ang positions para sa IT... by this time, nakapagpasa na ako ng application letter sa IA... desidido na ako at buo ang loob na makatakas sa kinasadlakan ko... pero nagdalawang isip pa rin ako dahil hindi ako sigurado na may pag-asa ako sa IA... gusto kong humingi ng payo sa 'yo... ano ba ang dapat kong gawin... umasa na matatanggap ako sa in-apply-an ko or magsiguro na malipat dito sa HO at apply-an ang position na inaalok ng IT para lang manatili ako dito sa HO at di na bumalik sa sangay... litong-lito ako... di ko alam ang gagawin ko... buo ang isip ko na umalis na... pero nandun din yung fear na paano kung hindi ako tanggapin sa IA? saan ako pupulutin... ayaw ko nang bumalik sa branch... wala na akong pupuntahan... ngayon, nagsisisi ako sa naging decision ko... kung pwede ko lang ibalik yung araw na yun... sana... sana...

a-trese ng hunyo, bandang alas-dos ng hapon, kinumusta mo ulit ako... gusto kong sabihing natutuwa ako dahil nandyan ka na ulit at miss na miss na kita at miss ko na na makausap ka... pero iba na naman ang sinabi ko... di ko na kasi alam kung paano kita ma-appease... di ko alam kung ano yung tamang response ... yung reply na kailangan para tumugma sa nais mong marinig... bobo talaga ako sa pakikipag-usap... paano ba ang mambola? para kahit na sinasaktan mo ako sa pananahimik mo, alam ko ang gagawin para kausapin mo ako ulit... nung araw na yun, a-trese ng hunyo, umuwi ulit akong talunan katulad ng mga nakalipas na araw... kausap ka sa tabi ko, nagkakandahirap sa pagpapaliwanag sa yo na okay lang... na magsalita ka naman kasi nahihirapan na ako sa pananahimik mo, na nasasaktan ako sa pagkakaganyan mo... "when it rains, it pours..." bandang alas otso y medya ng gabi ng bumababa ako ng
bus... habang naglalakad ako sa kahabaan ng national road ng muntinlupa patungo sa sakayan ng jeep na biyahe pa-katarungan village, habang kausap kita sa isip ko... nangyari ang hindi pa nangyayari sa akin sa buong 33+ years ng buhay ko... na-snatch ang bag ko... dala ang lahat ng mahahalagang papeles i.e. credit cards, IDs, etc. etc., celphone ko, kaunting pera... susi ng kotse... pero higit sa lahat, ninakaw ng snatcher ang pride ko... umuwi akong walang pera, walang susi ng bahay...

lugmok na ako sa pananahimik mo sa akin... lalo pa akong nilugmok ni Lord... siguro talaga lang sobra ang pagmamahal Nya sa akin... sinusubok ang katinuan ko... ang tibay ng dibdib ko... hanggang saan ako tatagal... pero ang nasa isip ko pa rin... baka tumatawag ka na ng gabi na yun sa akin... baka mag-text ka... baka sa himala ni Lord magparamdam ka sa akin through my mobile phone...

pumasok ako kinabukasan na wala sa sarili... gustong-gusto kitang tawagan, i-YM, i-email, gusto kong magsumbong sa 'yo, gusto kong umiyak sa 'yo... i was so devastated... gusto ko nang mag-breakdown... sari-sari na yung nararamdaman ko... di ko na maintindihan ang gagawin ko...
but i've given you my word... i-rerespeto ko yung pananahimik mo sa akin... sobrang mahalaga yung friendship mo sa akin... i can be strong just because of that... i need to be strong ... kahit na dinudurog ako ng dilemma ko... i was mentally, physically, emotionally drained...

wala na akong alam na iba pang paraan para kausapin mo ulit ako... para maka-contribute ako sa pagkakaroon mo ng peace of mind... para mapa-gaan ko yung burden na dinadala mo... pero siguro, someday, He will allow me to do that... na maging kaibigan sa 'yo...

i know, it will take a lot of time na ma-release ko yung sarili ko sa pag-iisip, pag-aalala, pagki-care sa 'yo... matatagalan pa 'til i get over the fact that i was not able to be a friend to you... until then, i hope that you'll bear with me sa pangungulit ko sa 'yo... hayaan mo, i will keep my distance naman...

alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo... alam ko rin na malaki ang kasalanan ko sa 'yo... maraming bagay sa mundo ang hindi ko nagawa at magawa dahil sa pagiging ako ko sa 'yo... alam ko rin na wala akong ibang dapat sisihin kundi sarili ko... i am taking all the blame sa pananahimik mo sa akin... at alam ko na kahit gaano pa ako magsisi,wala na akong magagawa pa to undo that... wala kang naging kasalanan sa akin... ang wish ko nga lang mapatawad mo ako sa
lahat ng pagkukulang ko sa 'yo...

sana kapag lahat tumalikod na sa 'yo, kapag feeling mo kinalimutan ka na nang mga friends mo, at kapag feeling mo kaaway mo ang buong mundo, sana, wag mong kalimutan, andito lang ako... hinihintay ka... nag-aabang ng paglingon mo... ng pagpansin mo... sana 'wag mong kalilimutan kung gaano ka ka-importante sa akin...

at sana wag mong isipin na galit ako sa yo dahil sinasaktan mo ako... hindi mangyayari yun na magagalit ako sa 'yo... sasaktan mo lang ako... normal naman yun na masaktan mo ang isang tao... nasaktan na rin ako maraming maraming beses na...
parte ng buhay yun e... alam ko nakasakit na rin ako ng tao kahit di ko gusto... for all i know, sinasaktan din kita... you'll hurt my feelings for reasons that is beyond me... pero it would not affect how important you are to me... siguro mas lalo pang madidiin kung gaano ka kaimportante sa akin how you are hurting me... kasi lalo kitang di makakalimutan nun...

sana hayaan mong maging kaibigan kita 'til the time na i-allow Nya ako na manatili sa mundo... kung hindi man mangyari na ganun, wag kang mag-alala, mananatili ka dito bilang isang importante at mahalagang tao sa buhay ko... at kahit anong oras, kahit kailan, kahit balitarin man ang mundo, makalimutan mo man ako, mananatili akong nandito para sa yo at mananatili kang importanteng tao sa akin... walang makakapagbago nun...